HAMON KAY COL. DADULO

bong_padua1

Kamakailan ay itinalaga bilang bagong boss ng Batangas pro-vincial command si S/Supt. George Dadulo, kapalit ang tinanggal na si S/Supt. Rosauro Acio.

Si Acio ay matagal na nagsilbi bilang Batangas police director at kung hindi pa sa nangyaring Atimonan incident, baka naghaharing opisyal pa ito sa lalawigan ni Ate V. sa kabila ng dami ng kanyang kapalpakan.

Kaya dapat ay magpasalamat si Dadulo kay Supt. Hansel Marantan na ugat ng madugong engkwentro, pero ang sinasabi ng kanyang mga kabaro ay rubout.

Ngayon…kaya si Dadulo ang napiling pumalit kay Acio ay dahil naniniwala si Sec. Mar Roxas sa kanyang kakayahan na maiayos ang napakagulong Batangas.

Ang suhestiyon natin kay colonel, unahin niyang buwagin ang operasyon ng iligal na sugal na ugat ng lumalalang krimen sa kanyang nasasakupan.

‘Di man aminin, pero iyan ang malungkot na katotohanan, kaya lamang ay ‘di name-media dahil para mapagtakpan at ‘di magulo ang operasyon ng pasugal.

Katulad yan ng nangyari sa Atimonan na ang nagsindi sa shootout na ikinamatay ng 13, kasama ang gambling lord na si Vic Siman, ay agawan sa palaro ng lotteng sa Region 4A.

Para ‘di maulit ang ganitong pangyayari, kailangang kumilos si Dadulo laban sa namamayagpag na iligal na sugal diyan sa Batangas.

Tip natin kay colonel, may video karera operation sa  San Jose  na sina Celo at Kap. Ineo ang mga financier, VK at STL-bookies ni Teddy sa Brgy. Galamay Amo.

Sa San Jose Cockpit at sa sabungan (Tombol) sa Rosario ay lantaran din ang sugal na sakla at mga pulis pa ang operators.

Kung nais malaman ni Dadulo ang mga lugar ng sugal sa kanyang hurisdiksyon, may listahan ang Chokepoint na ibinigay ng mga Batangueño. Yon lang!

MOLY AT NORY

Tuwid na daan ang pinaiiral ni DG Alan Purisima sa PNP pero pilit na sinasaliwa naman ng dalawang lespyak na sina Moly at Nory.

Ang dalawang ogag na ito na nakatalaga sa Intelligence Group ay umiikot daw sa mga iligal, tulad ng bold shows, buriki, sugal at iba pa, ‘di para manghuli kundi para mangotong.

At ang masama, ginagamit ang isang Col. Abelardo Villacorta sa kanilang pangongotong.

Paging Gen. Purisima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply