Hamon ni PNoy sa AFP: Halalan, tiyaking mapayapa at may integridad

Pangulong-Benigno-Aquino-III

TIYAKING maidaos ng mapayapa at may integridad ang halalan sa Mayo.

Ito ang hamon ni Pangulong Benigno Aquino III kay Lieutenant General Emmanuel Bautista bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ng Philippine National Police (PNP).

Sa idinaos na turn-over ceremony, sinabi ni Pangulong Aquino na sa pagbaba sa puwesto ni outgoing Chief of Staff General Jesse Dellosa ay nabuksan ang bagong kabanata sa kasaysayan ng AFP sa paghirang niya kay Bautista kapalit ni Dellosa.

Tiwala rin ang Pangulo na mananatiling nakatutok ang mga sundalo sa kapakanan ng mamamayan at sa pagkamit ng tunay na kapayapaan.

Kumpiyansa rin ang Chief Executive sa dedikasyon at katatagang pangunahan ng mga kawal ang “tuwid na daan.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply