Hangad ang magandang relasyon sa Pinas: TULONG NG NPC HININGI NG IRAN

Nag-courtesy call sina Ambassador Extraordinary & Plenipotentiary Ali Asghar Mohammadi ng Embassy of the Islamic Republic of Iran at Deputy Chief of Mission Seyed Abdulrasool Shabibi sa mga opisyal ng National Press Cub na binubuo nina President Benny Antiporda, at kanyang mga director na sina William Depasupil, Arlie Calalo, Paul Gutierrez, Mina Navarro, Nats Taboy at Boying Abasola.

MALUGOD at mainit na tinanggap ng National Press Club of the Philippines, sina Ambassador Ali Asghar Mohammadi at Iran Embassy Deputy Chief of Mission, Sheyed Abdulrasool Shabibi, matapos silang magbigay  ng “courtesy visit” sa liderato ng samahan sa ilalim ni Pres. Benny Antiporda.

Sa kanilang pagbisita, sinabi ni Mohammadi na hangad ng Islamic Republic na tumibay pa ang pagkakaunawaan at relasyong pampulitika, kultura, sosyal at pangkabuhayan nito sa Pilipinas sa tulong ng Philippine media.

Aniya pa, lumapit ang embahada sa NPC upang hingin ang tulong nito dahilan na rin sa kakulangan ng mga positibong balita hinggil sa bansang Iran dito sa Pilipinas.

Dahil sa umano’y “delikadong sitwasyon” sa Iran, kasalukuyan pa ring “banned” ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa.

Dagdag pa ni Mohammadi, karamihan sa mga negatibong balita hinggil sa kanilang bansa ay galing sa mga dayuhang “news agencies” na kontrolado ng mga bansa sa Kanluran.

Karamihan sa mga bansang ito, lalo na ang Estados Unidos at mga bansa sa Europa, ay itinuturing na ‘kaaway’ ang Iran.

Ayon naman kay Antiporda, ang kakulangan ng kaalaman ng mga Filipino hinggil sa Iran ay dahil naman sa kulang ang mapagkukunan ng mga wasto at tamang impormasyon.

Nagkasundo naman ang embahada at ang NPC na patibayin pa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng regular na palitan ng mga ideya at impormasyon.

Nangako rin si Antiporda na “ibabalik” ng NPC ang karangalan ng pagbisita dito ni Mohammadi at Shabibi sa mga darating na araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply