HANGGANG PANGARAP NA LANG ANG FOI

bobby-ricohermoso

MUKHANG minamalas talaga at hindi na maipapasa pa sa kasalukuyang Kongreso ang matagal nang nakabinbing Freedom of Information bill.

Sa halip kasi na madagdagan ang mga mambabatas na nagsusulong dito ay nabawasan pa dahil sa pagbawi ng suporta roon ng mga miyembro ng tinatawag na Makabayan bloc sa Kamara.

Naramdaman kasi ng mga militanteng mambabatas na ang bersyon na gustong ipasa ng mayorya ay iyong magbibigay ng proteksyon sa mga tiwaling opisyal, sa halip na magbigay ng karapatan sa mga mamamayan na usigin sila.

Dahil doon ay naobliga sina Bayan Muna Rep. Teddy Casino at Neri Colmenares,
Anakpawis Rep. Rafael Mariano, Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus na bawiin ang suporta nila sa FOI.

Kasama rin nilang umatras sina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Raymond Palatino kung saan ay idineklara pa ni Casino na binabawi na niya ang co-authorship sa panukalang batas.

Sinabi ng Makabayan bloc na hindi sila kuntento sa bersyon na isinusubo ng mayorya sa plenaryo kung saan nasunod anila ang gusto ng Palasyo.

Ibig kasi ng Malakanyang na sila ang magdesisyon kung ano ang dapat at hindi dapat na isapublikong dokumento sa pamamagitan ng isang executive order.

Mukhang may katwiran sina Casino sa bagay na ito dahil lumalabas na sa halip na magkaroon ng access o daan ang publiko para busisiin ang mga dokumento na gusto nilang silipin, ang mangyayari ay magkakaroon pa ng dahilan para itago ito ng gobyerno.

At dahil nga sa ginawang pag-atras ng mga militanteng kongresista sa FOI, mukha talagang malabo na talagang maipasa pa ang isang tunay at hindi watered down na bersyon ng FOI.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply