Hapon nagoyo ng bading, ninakawan ng interpreter

DOBLE kamalasan ang inabot ng isang Japanese national nang maloko ng bading na nagpanggap na may-ari ng motel at matangayan ng credit  card ng guide/interpreter sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Ken Ohashi, 64 ng Nishi Naka, Kura Shiki City, Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Kabayan Hotel sa Caloocan.

Kulong naman si Relani Bonus, 41, guide/interpreter ng biktima at ka-live-in nito na si Rodel Gabad, 30, kapwa ng Sipac, Navotas.

Sa ulat, dakong alas-11:00 kagabi, nagpunta sa presinto ang biktima kasama si Bonus kung saan sinabing naloko si Ohashi ng Y500,000 ng isang Christian Chavez.

Nabatid na nagpakilalang may-ari si Chavez ng Novo Hotel sa lungsod at inalok na sumosyo ang biktima na pumayag naman hanggang sa maibigay ang nasabing halaga subalit hindi na matagpuan ang bakla.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, lumalabas na umupa ng kuwarto si Chavez sa Novo Hotel mula Disyembre 22, 2012 at lumabas noong Enero 1, 2013.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ay nalaman na hindi lang ang nasabing halaga ang nawala sa Hapon kundi pati na ang ang Master/Visa Card ay nawawala rin, hanggang sa aminin ni Bonus na siya ang kumuha at iniabot sa ka-live-in na si Gabad na naging dahilan upang arestuhin ng mga pulis ang mag-live-in.

Sinabi rin ni Bonus na kaya lamang niya kinuha ang card ay dahil sa pangambang hindi siya mabayaran ng Hapon dahil naloko ito ni Chavez.

Nabawi naman ang P140,000 na na-withdraw ng mag-live-in mula sa card ng Hapon habang pinaghahanap na si Chavez ng mga pulis.

Kakasuhan ng qualified theft si Bonus habang accomplice naman kay Gabad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply