Heat pinahirapan ng Raptors

heat

KAHIT nasa teritoryo, hindi naging madali para sa defending champion Miami Heat ang paslangin ang Toronto Raptors kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Kinailangan pa ng Heat ng isang extra period upang lapnusin ang Raptors, 123-116 matapos magtala ng kanyang 34th career triple-double si basketball superstar LeBron James.

”Just tried to keep wearing on them,” wika ni James. ”We knew it was going to take a little while to get the engines back started, but we got enough stops in the second half to give ourselves a chance to win.”

Bumigwas ng 31 puntos, 11 assists at 10 rebounds si reigning NBA MVP James habang 35 points pitong assists at limang boards ang kinana ni Dwyane Wade upang ilista ng heat ang 27-12 win-loss slate at manatiling nasa tuktok ng eastern Conference.

Lubog sa 15 puntos ang Miami subalit nakipagtulungan sina Ray Allen, Mario Chalmers at Chris Bosh sa opensa upang makahirit ng overtime ang Heat.

”It was typical for a team to come off a long road trip, have days off and try to get back in a groove, especially versus a team that offensively is one of the top 10 in the league in offense and scoring the ball,”saad ni Wade. ”It took us time to get our legs into it and get our rotations down, but as the game went on we were able to do that.”

May tinikadang 18 puntos si former three-point king Allena habang nag-ambag sina Chalmers at Bosh ng 14 at 14 points ayon sa p-agkakasunod.

Sumalpak ng tig anim na puntos sa regulation si Wade at Allen para pangunahan ang 14-7 run ng Heat.

Si bench player Alan Anderson ang bumira sa opensa ng raptors nang tumikada ito ng 20 puntos habang 17 ang binakas ni Joe Calderon.

”We’ve been competing against everybody,” ani Calderon. ”We’re playing much better. We’re sharing the ball. We can compete against everybody. We’ve got to compete every night.

Samantala, nagmukhang basang sisiw muli ang Los Angeles Lakers matapos mabigo sa Memphis Grizzlies, 93-106.

Sa ibang resulta, sinuwag ng Chicago Bulls ang Detroit Pistons, 85-82 habang kinalawit ng Atlanta Hawks ang Charlotte Bobcats, 104-92.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply