Heat pinalamig ng Celtics

pierce

SIGAWAN ang mga fans sa Boston Celtics ng talunin nila ang defending champion Miami Heat kaninang umaga subalit biglang nalungkot nang malaman na hindi na makakalaro ngayong season ang kanilang star point guard na si Rajon Rondo.

”Everyone was really happy for the win,” sabi ni Celtics forward Paul Pierce matapos ang 100-98 panalo kontra Heat. ”It brought a dark cloud in this room when you heard the news.”

Dalawang extra period ang kinailangan ng Celtics upang putulin ang kanilang six-game skid sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Hindi naglaro si Rondo laban sa Heat kaya nagtulong sa opensa sina Kevin Garnett at Pierce upang ilista ng Celtics ang 21-23 win-loss karta.

”Obviously, the Rondo news is pretty tough. I knew it before the game,” saad ni Boston coach Doc Rivers. ”I just didn’t think it was any time to tell any of our guys.”

Bumira si Garnett ng 24 puntos at 11 rebounds habang triple-double ang kinana ni Pierce, (17 pts., 13 boards at 10 assists).

Nakuha ng Celtics ang lamang, 99-98 matapos ang 22-foot jumper ni Pierce may 31 seconds na lang sa second overtime.

Si basketball superstar LeBron James ang lumiyab sa Heat matapos bumira ng 34 points, 16 rebounds at pitong assists habang nag-ambag sina Dwyane Wade at Chris Bosh ng 17 at 16 ayon sa pagkakasunod.

”As much as I’ve been a rival with Boston over the years, I never want to see anyone go down,” patungkol ni James sa injuru na natamo ni Rondo.. ”It’s terrible, not only for their team but for the league.”

Sa ngayon ay kailangan ng Celtics manalo kahit wala ang nagtitimon ng play sa court matapos magkaroon ng torn anterior cruciate ligament sa kanang tuhod.

Nagkaroon ng injury si Rondo sa laban nila kontra Atlanta Hawks matapos ang 112-123 talo sa double OT.

Samantala, nakabawi ang Los Angeles Lakers sa Oklahoma City Thunder matapos ang 105-96 panalo ng una.

Sa ibang kaganapan, sinilat ng New Orleans Hornets ang Memphis Grizzlies, 91-83 habang kinatay ng New York Knicks ang Hawks, 106-104.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply