Heat sinuwag ng Bulls

chicago-bulls

NILISTA ni LeBron James ang kanyang pang-31 sunod na 20 puntos pataas subalit hindi ito sumapat para pigilan ng Miami Heat ang panunuwag ng Chicago Bulls.

Sinagasaan ng Bulls ang Heat 96-89 upang ilista ang 18-13 win-loss slate at manatiling nasa tuktok ng Central Division sa Eastern Conference sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

”It always feels good to beat the Heat,” ani center Joakim Noah, na nirehistrong 13 puntos at 12 rebounds. ”And we get a night out in the city, so we’re hyped right now. We haven’t been playing great basketball and this is probably our biggest win of the year against the defending champs. It feels good.”

Ganunpaman nasa unahan pa rin ng EC ang Heat tangan ang 22-9 baraha kahit nalasap ng Miami ang pangatlong kabiguan sa kanilang lugar.

”Everybody in both locker rooms understands what the overwhelming key to the game was,”saad ni Miami coach Erik Spoelstra. ”They were throwing it up there and playing volleyball against us.”

Sinandalan ng Bulls ang kanilang rebounds upang maniobrahin ang apat na period at sa third canto ay abante sila ng siyam na puntos, 75-66.

Naibaba ng Heat sa tatlo, 75-72 ang lamang matapos ang 6-0 run kabilang ang dunk ni three-time MVP James subalit hanggang doon na lang ang lakas ng Miami at muling namayani sa rebound ang Bulls para isalpak ang second chance point ng Chicago.

”We understand how important rebounding is,” ani Chicago coach Tom Thibodeau, ”and it showed tonight.”

May 48 rebounds ang Bulls habang 28 ang sa Heat.

”It’s killing us, plain and simple,” pahayag ni Heat center Chris Bosh, na may isang offensive rebound sa 38 minutes na paglalaro. ”Is it scheme? Is it mental? We’d better figure it out.”

Kumamada si Carlos Boozer ng 27 points at 12 boards habang sina Nate Robinson at Kirk Hinrich at nagtala na 13 at 10 pts. para sa Bulls ayon sa pagkakasunod.

Si James naman ang kumamada sa Heat na may tinalang 30 puntos at anim na boards habang si Dwyane Wade ay may 22 pts.

Sa ibang NBA game results, ligwak na naman ang Los Angeles Lakers matapos matalo sa Los Angeles Clippers, 102-107 habang sinilat ng Portland Trail Blazers ang Memphis Grizzlies, 86-84.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply