Heat tinastas ang Nets

heat

HINDI maganda ang ginawang pagtanggap kina basketball superstar LeBron James sa Brooklyn subalit hindi ito naging dahilan para masira ang laro ng Miami Heat.

Kumaldag ng 24 puntos, siyam na rebounds at pitong assists si star player James upang dalhin ang Heat sa 105-85 panalo kontra Nets kanina.

”I let my game do the talking,” wika ni three-time MVP James.

Siniguro ng Heat na hindi mauulit ang kanilang kabiguan sa Boston Celtics sa double overtime kaya bumira ng todo ang “Big 3s” ng Miami na sina James, Dwyane Wade at Chris Bosh.

Tumikada si Wade ng 21 points, tatlong assists at dalawang rebounds habang si Bosh ay nag-ambag ng 16 pts. at apat na rebounds.

”When we’re playing at a high level, that’s what we’re capable of doing,” sabi ni James, ”So we showed tonight what we’re capable of, both defensively and offensively. The whole package, everything, we had it going tonight.”

Tabla ang score sa halftime subalit sa third canto ay lumiyab na ang Heat upang iwan ang Nets, 85-63.

”It’s the third time we’ve played them and we turn it over 19 times in all three games,” ani Nets interim coach P.J. Carlesimo. ”I thought our guys really played an excellent first half and then we dug a big hole doing the same things that we did in the third quarter.”

Nasa tuktok pa rin ng Eastern Conference ang Heat hawak ang 29-13 win-loss card habang nasa pang-apat na puwesto ang Nets bitbit ang 27-19 baraha.

Si center Brook Lopez ang top scorer sa Nets na may tinikadang 21 puntos at pitong boards.

Samantala, masaklap ang naging kabiguan ng Los Angeles Lakers laban sa Phoenix Suns.

Abante ng 10 puntos ang Lakers matapos ang third period subalit nagawang makahabol ang Suns upang manalo ito sa score na 86-92.

Sa ibang kaganapan, tinalo ng Denver Nuggets ang Houston Rockets, 118-110 habang nanaig ang Los Angeles Clippers sa Minnesota Timberwolves, 96-90.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply