Hepe ng Laoag City police nasa hot water

NASA hot water ngayon ang chief of police ng Laoag City matapos mapag-alamang nakatulog ito sa isang disco house na binantayan pa umano ng kanyang mga tauhan kahapon ng madaling araw.

Ang hepe ng Laoag City police na nakatulog sa umano’y sobrang kalasingan ay nakilalang si Supt. Melvin Napinoy.

Ayon sa ulat pumasok umano si Napinoy kasama ang ilan sa kanyang mga tauhan sa Discolandia at nag-inuman.

Sa sobrang kalasingan ay nakatulog ang nasabing hepe sa kanyang kinauupuhan at hindi na ito ginising ng kanyang mga tauhan.

Sa radio report, inamin ni Napinoy na pumasok siya sa Discolandia ngunit ito aniya ay trabaho at hindi para makipag-inuman.

Napatunayan naman sa mga empleyado ng Discolandia na natulog si Napinoy sa disco house dahil noong pumasok ito kasama ang mga tauhan ay nakainom na ito.

Iginiit naman ng hepe na isang paninira lamang sa kanya ang ginawang isyu dahil kamakailan ay pinaghuhuli ng kanyang mga tauhan ang mga nagsusugal sa loob ng Discolandia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply