Hepe ng NBI-NCR sinibak ni De Lima

leila de lima

SINIBAK ni Justice Secretary Leila de Lima sa pwesto si National Bureau of Investigation NCR Director Manuel George Jularbal, mga myembro ng NBI-NCR at iba pang kasama sa birthday party kung saan naganap ang pamamaril ng isang ahente.

Ayon kay De Lima, command responsibility ni Jularbal na tiyaking walang nakalalasing na inumin sa nasabing party.

Matatandaan na nitong Biyernes ng gabi ng barilin umano ni Special Agent Nestor Pascual ng NBI-NCR ang kasamahang Ahente na si Joselito Guilllen habang nag-iinuman sa loob mismo ng NBI compound.

Sinasabing nalasing na umano ang ilan sa mga nag-iinuman at nagkaroon na ng mainitang pagtatalo kung saan tinangka umanong payapain ni Guillen si Pascual subalit nabaril sya nito.

Sa panig ni Jularbal, sinabi nito na nakahanda siyang sumunod at inaasahan na niya ang aksyon ng kalihim.

Pero giit ng opisyal na hindi nya naman kontrolado ang pag-iisip ng kaniyang mga tauhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply