HIGIT PA SA BENEPISYO ANG BINIBIGAY NA SERBISYO NG ECC

hilda-online-logo

AYON kay Kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) Rosalinda Dimapilis-Baldoz, ang Employees’ Compensation Commission (ECC) ang tagapagpatupad at program coordinating body of the Employees’ Compensation Program (ECP). ay ‘di lamang pinabubuti ang pagbibigay ng mga benepisyo sa mga nagtrabahong nagkaroon ng kapansanan na mga manggagawa (ODW) subalit nagbibigay naman ng kasiguruhan na mabigyan ng normal na buhay at pamumuhay.

Dahil sa patnubay ng ganitong paniniwala, ang ECC ay naglabas ng tagline “Higit pa sa benepisyo ang binibigay na serbisyo.” Ito ay isang pangunahing salik upang matamo ang mga ninanais sa pamamagitan ng case management. Kapag ang ODW ay natingnan na ng ECC doctor on duty, sisiguruhin ng ECC ang koordinasyon ng serbisyo sa pamamagitan ng employees compensation.

Nagsisimula ang provision of occupational or physical therapy sa pagbibigay ng prosthesis upang mapanumbalik ang lakas ng pangangatawan at kapabilidad ng ODWs sa kanyang kaalaman at natutunan o kaya ay sa kanyang pangkabuhayang pagsasanay sa pamamagitan ng starter kit kung sakali man at gugustuhin ng ODW na magkaroon ng maliit na negosyo o kaya ang negosyo nila sa kanyang tahanan.

Ang mga katulad na serbisyong ganito ay pinangangasiwaan ng ECC, katulong at gabay sa manggagawang may kapansanan (Kagabay Program).

Sa lahat ng mga serbisyong ito, ang mga ODW ay maaring makakuha ng “The Special Program for Employment of Student” sa panahon ng kapaskuhan at bakasyon.

Noong 2012, may kabuuang 82 ODWs ang nabigyan ng Physical Therapy at occupational therapy sa mga ECC accredited institution tulad ng PGH o ng Orthopedic Hospital. Ang pondong naipamigay para sa therapy ng ECC ay may halagang P1,127,630.00.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply