Hinihinalang holdaper itinumba ng tandem

bangkay

TAMA ng bala sa sentido ang tumapos sa buhay ng isang lalaki na hinihinalang holdaper makaraang barilin ng riding-in-tandem sa San Andres, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Inilarawan ang biktima na 35 hanggang 40 taong gulang, may taas na 5’3, mahaba at kulot ang buhok at armado ng toy gun.

Ayon kay PO3 Rodel Benitez, dakong alas-11:50 kagabi nang maganap ang insidente sa tulay ng President Quirino Bridge sa San Andres, Maynila.

Nakatakas naman ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at armado rin ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kulay itim na scooter na walang plate number habang kasunod naman ang dalawang suspek na lulan sa isang motorsiklo.

Pagsapit sa ibabaw ng tulay ay huminto ang biktima, gayundin ang dalawang suspek. Sa puntong iyon, isa sa suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan ng malapitan sa sentido ang biktima na nagresulta ng agarang kamatayan nito.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima habang iniimbestigahan din kung isa rin itong holdaper na itinumba ng kanyang kasamahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply