Hiniwalayan ng dyowa, taxi driver nanratrat

crime9

NAGSASAGAWA na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Makati City police laban sa 44-anyos na taxi driver na walang habas na nagpaputok ng kanyang baril sa harap ng bahay ng dati niyang kalive-in kaninang madaling-araw sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Tresreyes, ng 2771 E. Cailies St., Barangay Bangkal na kaagad tumakas, sakay ng kanyang minamanehong taksi matapos ang walang habas na pagpapaputok ng baril.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alejandro Devalid ng General Assignment Section ng Makati police, alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang walang habas na pagpapaputok ng baril ni Tresreyes sa harapan ng bahay ng dati niyang kinakasamang si Annalyn Nicolas, 27, sa 1401 Apolinario St., Brgy. Bangkal.

Sa salaysay ni Nicolas, hiniwalayan niya ang kanyang kalive-in sa paniwalang may kinalaman ang lalaki sa pagkamatay ng kanyang inang si Rosita Nicolas.

Sinampahan din ng babae ng kasong murder ang dating kalive-in sa Makati City Prosecutors Office noong Enero 11, 2013.

Malaki ang hinala ng pulisya na isang uri ng pananakot ang walang habas na pagpapaputok na ginawa ng suspek sa harapan ng bahay ng dating kalive-in upang iurong ang kaso laban sa kanya.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasirang ari-arian sa pagpapaputok ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply