Hiwalay na imbestigasyon sa kaso ni Stephanie Nicole, isinagawa

NAGSAGAWA ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ni Stephanie Nicole Ella  noong kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Nagtungo na sa “crime scene” ang NBI team  upang  simulan ang pag-iimbestiga  at sa gayun ay makakalap pa ng karagdagang impormasyon  at lead sa kaso.

Ayon sa NBI, lumalabas na hindi lalayo sa 50 metro  mula sa biktima  ang lokasyon ng suspek na nagpaputok ng baril.

Ito umano ay base sa kanilang inisyal na imbestigasyon kung saan natukoy na mula sa .45 kalibre ng baril ang narekober sa ulo na kumitil sa buhay ni Stephanie Nicole.

Kaugnay nito, sinusuri na rin ang lahat ng gun owners upang  malaman  kung sino sa mga nakatira sa lugar ang responsable sa pagpaputok noong Bagong Taon na nagresulta sa kamatayan ng 7 taong gulang  na si Stephanie Nicolle.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply