HOKUS-POKUS SA PNP DONATION, BRGY. ADIK AT PUNA SA MEDIA

lily's-files-lily-reyes

BIBIGYANG daang muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na text messages at  mga nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at proteksiyon.

GOOD DAY Lily’s Files, hindi naman nakapagtataka kung bakit  P7.5 milyon lang ang idineklarang donations ng PNP para sa mga biktima ni Pablo, alalahanin n’yo mga pulis ‘yan.

Ang perang nakuha sa mga pulis na tig-P5,000 bawat isa ay maliwanag na isang donasyon kaya hindi na kailangan pang i-audit ng COA. Kaya malaya nilang magagawa kung saan nila ito dadalhin. Hindi kaya pinaghati-hatian na ng mga sugapang opisyal ng PNP ang mahigit na P740 milyon? Hindi na nga naman sila maiimbestigahan kung saan dinala ang perang ‘yun dahil hindi naman galing sa pondo ng PNP. Talagang ginamit ng mga heneral ang kanilang pagkapulis. Hindi kaya, Gen. Purisima?

Saludo ako sa  inyo, Gen. Purisima, sana lang ay hindi kayo makarma at hindi kayo matulad doon sa mga naanod ng tubig na nanalasa sa mga biktima ng Pablo.

GUD PM po. Nais ko lang pong ireklamo ang isang barangay tanod ng Brgy. Tejeros, Makati City na nagngangalang Jun Osolio.

Panay po ang text sa akin at pananakot, ipinagmamalaki  rin niya  na marami raw po siyang mga koneksyon, maging ang kanyang pagiging adik ay ipinagmamalaki niya.

Hindi magandang ehemplo ang gawain niya. Sana po mabigyan ng nararapat na parusa ang mga ganitong klase ng tao lalo na at isa itong barangay tanod. Maraming salamat po.

Pls. don’t publish my number for security reason.

HELLO at magandang araw sa Lily’s Files. Bakit po ba maraming   nasa media ang bastos, abusado at mayayabang at parang mga walang pinag-aralan?

May nakaengkuwentro po akong isang photographer dito sa  Robinson’s  Galleria, noong Sabado. Nagkasagian kami tapos ay nagtalo na kami. Kahit babae ako ay ako pa ang humingi ng dispensa sa kanya pero talak pa rin siya ng talak at kung ilang beses niyang inulit-ulit na nasa media siya. Inaawat na siya ng kasama niyang babae pero hindi niya ito pinapansin at lalo lang siyang nagalit sa akin.

Huwag po kayong magagalit, M’am Lily. Ask ko lang po, ganyan ba talaga kayong mga nasa media: mayayabang, abusado at bastos?

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 09087230036  o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply