Holdaper kulong sa pambibiktima ng dalaga

behind-bars-3

KULONG ang isang lalaki matapos holdapin ang dalagang naghihintay ng masasakyan sa Caloocan City Sabado ng madaling araw, Enero 26.

Nahaharap sa mga kasong robbery hold-up, illegal possession of firearm at paglabag sa Omnibus Election Code si Jerome Ramos, 22, ng Narra Alley, Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw, nag-aabang ng masasakyan si Teresa Jimenes, 27, sa Monumento ng lungsod nang lapitan at tutukan ng baril ng suspek.

Kinuha ng suspek ang cellphone ng biktima bago tumakas habang humingi ng tulong ang huli sa mga pulis.

Sa isinagawang follow-up operation ay nakita ng mga pulis kasama ang biktima ang suspek na nakatayo sa tapat ng SM Hypermarket sa Monumento ng lungsod na naging dahilan upang lapitan ng mga pulis at madakip.

Nabawi ang cellphone ng biktima at nakuhanan ng kalibre .38 na walang serial number ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply