Holdaper na baril-barilan ang gamit, grabe sa pulis

crime-fugitive

NASA malubhang kalagayan ngayon ang isang holdaper na baril-barilan ang gamit nang mabaril ng mga pulis makaraan pumormang magpapaputok nang mambiktima sa Caloocan City kagabi, Enero 13.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa tiyan si Alexander Bundoy, 29, ng Temporary Housing Building, Tondo, Manila.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, hinoldap ng suspek ang mga kasakay sa jitney sa 6th Avenue ng lungsod gamit ang replica ng kalibre .45.

Isa si Roley Joy Paduga, 33, seaman ng Longos, Malabon City ang natangay ng cellphone ng biktima na mabilis na tumakas.

Nasabat ng mga nagrorondang mga pulis ang suspek at nang akmang bubunutin ang nakasukbit na baril-barilan sa beywang ay mabilis na nakaputok ang mga pulis.

Dinala ang suspek sa PDMMMC kung saan nadiskubreng baril-barilan lang ang gamit habang nabawi naman ang mga nakulimbat ng una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply