Holdaper na baril-barilan ang gamit, tiklo

KULONG ang isang lalaki na baril-barilan ang gamit matapos mambiktima ng isang Indian national sa Valenzuela City Sabado ng umaga, Enero 19.

Nakilala ang suspek na si Armando Balili, 36, ng San Diego st., Lingunan, Malanday ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang holdapin ng suspek ang biktimang si Varinderjit Singh, 22, habang naniningil ng pautang sa nasabing lugar.

Kinuha ng suspek ang P1,440 ng biktima bago tumakas. Nakahingi naman ng tulong sa mga pulis ang biktima.

Sa isinagawang follow-up operation, nadakip ang suspek malapit sa kanilang bahay. NAkuha sa suspek ang plastic toy gun na replica ng kalibre .9mm habang nabawi naman ang pera ng biktima.

Pasok din sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang suspek dahil kasama ang pagdadala ng replica ng baril sa ipinagbabawal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply