Holiday food safety tips mula kay FDA Director Kenneth Go

hilda ong

NAG-ISYU ng holiday food safety tips ang Food and Drugs Administration (FDA) ng Department of Health (DOH) upang matiyak na magiging ligtas ang publiko mula sa mga karamdaman na nakukuha sa mga hindi ligtas na pagkain ngayon nalalapit na Pasko.

“To keep you safe during the holiday season the FDA is issuing this advisory to remind the consuming public to exercise food safety habits to avoid undue illnesses caused by food with microbiological, chemical and physical contamination,” nakasaad sa DOH-FDA Health Advisory No. 2012-015.

Batay sa dalawang-pahinang advisory na nilagdaan ni FDA Acting Director IV  Dr Kenneth Hartigan Go, sinabi nito  na dapat na tandaan ng consumer na kahit pa holiday rush ay dapat na maging maingat sa pagpili, pagbili, paghahanda, paghawak at pag-iimbak ng pagkain ang publiko.

Paliwanag ni Dr Kenneth Go, maaaring maging sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit kung marumi at hindi ligtas ang pagkaing kakainin.

Ilan aniya sa typical symptoms ng foodborne illnesses o sakit na nakukuha sa pagkain ay pagsusuka, pagtatae, at flu-like symptoms, na maaaring maranasan, ilang oras lamang o araw matapos na makakain ng hindi ligtas na pagkain.

Nagbabala pa ang FDA na ang pagkain ng unsafe foods ay maaaring maging dahilan ng malalang Hepatitis A, gastroenteritis, cholera, typhoid fever, amoebiasis at poisoning o pagkalason mula sa toxic chemical substances.

Kaugnay nito, pinayuhan ni  Dr Kenneth Go ang publiko na sundin ang mga sumusunod na practical food safety tips para maiwasan ang foodborne illnesses.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply