Honda Cars voluntary recall

MULING nagpalabas ng voluntary recall ang Honda Cars Philippines Inc. (HCPI) para sa mga produkto nitong Pilot SUV at Odyssey minivan. Ito’y kaugnay ng pag anunsiyo ng Honda sa Estados Unidos ng recall sa mga nasabing sasakyan dahilan sa depektibong airbag sa driver side. Ito ay kahit na walang batas dito sa Pilipinas ukol sa mga recall. “”Honda still opts to do the recall as a matter of policy on worldwide customer satisfaction when it comes to quality of the product and safety of customers, which are the top priorities,” sabi ng HCPI.

Ayon pa sa HCPI, may mga pagkakamali sa pagkabit ng airbag sa driver side, na kung sakali ang sasakyan ay makaengkwentro ng kolisyon ay may posibilidad na hindi ito magdeploy o hindi lumabas sa manibela ang nasabing airbag. Ang Pilot at Odyssey na binebenta ng HCPI ay parehong gawa sa bansang Amerika. Sa kabuuan ay 836,716 units ng Pilot at Odyssey sa mga taong 2009-2013 (Pilot) at 2011-2013 (Odyssey) ang kasama sa recall. Kabilang dito ang nasa Pilipinas na may bilang na 171 units.

Sinimulan na ng HCPI ang pagpapadala ng notification letter sa mga may-ari ng mga nasabing sasakyan.

Tumawag sa Honda Hotline 1-800-1000-HONDA at 8577240 o magpadala ng email sa customer_relations@hondaphil.com.

Matatandaang naglabas din ng voluntary recall ang HCPI noong 2011 para naman sa CR-V, Jazz, at City dahil sa depektibong power-window master switch.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply