Hostage-taking sa Algeria, 30 na patay

Algeria

UMABOT na sa 30 manggagawa ang namatay sa pangho-hostage ng Islamist militant group sa Algeria.

Ayon pa sa Reuters, 11 Islamist militant ang napatay matapos maglunsad ng rescue operation ang Algerian military forces upang mapalaya ang mga dayuhan at daan-daang Algerians na nagtatrabaho sa isang gas facility sa Amenas, Algeria.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang Japanese, dalawang Briton at isang Pranses habang walo ang Algerian.

Hindi pa rin makumpirma ang mga nationality ng mga biktima ngunit sinasabi sa ulat na kabilang doon ang mga Amerikano, Norwegians, Romanians at Austrian.

Nag-ugat ang pangho-hostage sa hangarin ng nagpakilalang “Batallion of Blood” na maisatinig ang kanilang kahilingang magwakas na ang French military campaign sa Mali kung saan may isinasagawang opensiba laban sa mga rebelde ang French paratroopers at marines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply