Hostage taking sa SSS-Samar: 3 sugatan

hostage

TATLO ang sugatan sa naganap na hostage taking sa opisina ng Social Secuity System sa Catbalogan, Samar.

Kinilala ang mga empleyadong nasugatan na sina Melvin Olivas, 31, security guard at Juanito Mate habang sugatan din ang hostage taker na si Patrocenio Dabocol, isa ring security guard nang tamaan ng bala ng baril mula sa rumespondeng mga awtoridad.

Nabatid na napilitang sirain ng SWAT ang tanggapan ng SSS sa naturang lalawigan makaraan ang dalawang oras na pangho-hostage ng suspek.

Patuloy namang inaalam kung ano ang nag-udyok sa suspek upang mang-hostage habang tumayong negosyador si Catbalogan Mayor Coefredo Uy kasama ang asawa at anak ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply