House blessing niratrat, pinasabugan: 2 utas, 3 sugatan

crime3

TODAS ang dalawang katao habang tatlo pa ang nasugatan makaraang paulanan ng bala at pasabugan ang isang house blessing sa Barangay Caingin sa Bocaue, Bulacan, pasado alas-8:00 kagabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mario Mendoza at isang alyas “Goymon” habang sugatan ang tatlong iba pa.

Nabatid na kumatok sa gate ang mga suspek sa gitna ng pagkakasiyahan matapos ang pagbebendisyon ng mga Mendoza at pinagbabaril ang mga bisita.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek, bago lisanin ang lugar ay hinagisan ng granada ang tahahan ng pamilya Mendoza.

Tinitingnang anggulo ng pulisya na may kinalaman ang insidente sa droga dahil sa narekober na isang sachet ng shabu mula sa isa sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply