Huli sa paglabag ng gun ban, lumobo na – PNP

gun-ban

UMAABOT na sa 46 ang bilang ng mga taong hinuli ng pulisya sa paglabag sa election gun ban na sinimulang ipatupad nitong nakaraang linggo, ayon sa isang opisyal ng PNP.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., karamihan sa mga nahuhuling lumalabag sa gun ban ay mga sibilyan na umaabot sa 43, habang tatlo naman mga kawani ng pamahalaan.

Nasa 35 namang mga baril ang nakumpiska ng awtoridad, 23 dito ay low powered firearms habang 12 ay high powered.

Nakakumpiska rin ang pulisya ng anim na Granada, 12 kutsilyo, ayon kay Cerbo.

Dagdag pa ng opisyal na sa Calabarzon ang may pinakamaraming nakumpiskang baril na aabot sa pito, susunod ang NCRPO na mayroong anim na baril, sa Region 6 naman ay mayroon 5 baril na ang nakukumpiska.

Sinabi ni Cerbo na hindi naman sila nagkukulang sa paalala sa publiko  na bawal  ang pagdadala ngayon ng mga baril dahil na rin sa election period, subalit  sadya aniyang mayroon pa ring mga kababayan natin ang sadyang pasaway.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply