I-Vote bagong citizens’ arm ng Comelec

brillantes

ISA pang election watchdog ang ia-accredit ng Commission on Elections (Comelec) upang maging citizens’ arm group nito sa halalan sa Mayo 13.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., nakatakdang magpalabas ng resolusyon ang Commission En Banc para sa accreditation ng grupong I-Vote.

Ang I-Vote, binubuo ng mga pastor ay dati nang nakatuwang ng Comelec bilang isa sa citizens’ arm noong eleksyon ng taong 2010.

Ito na ang magiging ikatlong citizens’ arm ng poll body para sa 2013 midterm elections.

Una nang binigyan ng akreditasyon ng Comelec ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL).

Kaugnay nito, nilinaw naman ng Comelec na ang PPCRV pa rin ang magiging pangunahing citizens’ arm group sa darating na eleksyon.

Sinabi pa ni Brillantes na posibleng maglagay din ang Comelec ng local citizens arm group sa Cebu at sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply