IBAYONG DISIPLINA HINDI GUN BAN ANG KAILANGAN

by the square

UMAALINGAWNGAW na naman ang panawagan para sa isang total gun ban matapos ang sunod-sunod na insidente ng pamamaril.

Wala tayong tutol na magkaroon ng pangkalahatang pagbabawal sa pagdadala ng baril kung matitiyak ng mga naniniwala sa gunless society ang kaligtasan ng mamamayan mula sa kuko ng mga kriminal.

Kung hindi sana naglipana ang mga maglulupang kriminal, adik, manyak, mga awtoridad na abusado at sangkot sa krimen, mga kasapi ng private armies ng mga walanghiya at makapangyarihang pamilya ng mga pul-politiko at iba pang dahilan para makaramdam ng kawalang seguridad ang taumbayan ay walang problema sa panukala ng mga kasapi ng gunless society.

Naaalala ba ninyo ang nangyari sa 58 tao na naging biktima ng Maguindanao massacre? Sila ay walang armas bilang pagpapakita na hindi marahas ang kanilang layunin habang sila ay papunta sa tanggapan ng Commission on Elections pero ano ang nangyari sa kanila?

Hindi ang baril ang pumapatay kundi ang may tangan nito. Ang problema ay hindi ‘yung bagay kundi ‘yung saliwang paggamit nito.

Para nating sinunog ang isang bahay mapatay lang ang mga daga sa loob nito o para tayong gumamit ng martilyo para mapatay ang isang langgam kung susundin natin ang panukalang tugon ng mga kabilang sa gunless society.

Sa palagay ko, ang ilan sa mga tamang hakbang na dapat sundin upang mabawasan ang hindi tamang pag-gamit ng baril ay ang mga sumusunod:

1. Higpitan ang pamantayan kaugnay ng pagbibigay ng permisong mag-ari at magdala ng baril;

2. Masinop na pagdisiplina sa hanay ng mga awtoridad;

3. Gibain nang tuluyan ang private armies;

4. Sugpuin ang krimen sa pamamagitan ng pagsasaayos ng ating ekonomiya; at

5. Gawing mabilis ang ikot ng gulong ng katarungan.

Tanging kung masusunod lamang ang ilang mungkahing ito makikita natin ang pagbaba ng krimen kung kailan baril ang ginamit.

* * *

BAKIT ligal ang pagmamay-ari at pagdadala ng baril sa United States? Sapagkat naniniwala sila na ang armadong mamamayan ay hindi maaabuso ng isang mapagmalabis na pamahalaan?

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, Barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply