IBAYONG TRABAHO VS DROGA

_bong padua

ANG droga ay problema na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

Dapat nga, eh, maging prayoridad ng bawa’t ahensya ng gobyerno, maging ng mga LGU ang pagsugpo ng salot na ito ng lipunan.

Kumbaga, demonyo ang droga dahil nadidiktahan ang mga nakakarga nito na pumatay, magnanakaw at kung ano-ano pang krimen.

Dahil sa masamang epekto ng droga, nagugulo ang lipunan kaya ang resulta pati ekonomiya ng bayan ay hindi makaangat.

Panahon na para masawata ang problema sa droga. Kailangan lang naman, eh, makatotohanang pagharap laban sa droga.

Dapat sigurong maging halimbawa natin ang ginagawa ng police, PDEA at ang repormang isinasagawa ng kasalukuyang liderato ng BOC.

‘Di tulad ng nakaraang maraming taon, ang pamunuan ngayon ni Comm. Ruffy Biazon ay tutok sa panghuhuli ng droga sa mga pantalan.

Ang bilyong halaga nang nakumpiska ng bagong-bihis na BOC sa mga drug mule ay napakalaking kontribusyon sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

At nakabibilib na mismong si Comm. Biazon ang bumibitbit ng mga papeles at personal na naghaharap ng demanda laban sa mga nahuhuling drug couriers.

Ilang araw lang ang nakararaan ay ipinagharap ni Biazon ng demanda si Roendo Ariata, balikbayan, na nahuli sa NAIA na may dalang P56 million halaga ng shabu. Mabuhay kayong mga nagtatrabaho riyan sa BOC.

COL. GEORGE DADULO

May bagong hepe ang Batangas sa katauhan ni S/Supt. George Dadulo.

Kung tama ang aking memorya, siya’y galing ng QCPD.

Matagal-tagal na rin sa Batangas si colonel at tiyak na batid nito ang problema riyan. Iyan ay ang nagkalat na sugalan na dahilan ng lumalalang krimen sa lalawigan.

Isa sa ugat ng pagkalat ng shabu at krimen ay ang video karera. Ang sugal na ito ay namamayagpag sa San Jose.

Sina Celo at Kap. Ineo ang mga financier.

Ginagamit  ni Kap Ineo ang manugang na si Teddy sa pagpapatakbo ng vk at sa operasyon nito ng STL bookies sa Brgy. Galamay Amo.

Sa San Jose Cockpit at sa sabungan (Tombol) sa Rosario ay lantaran din ang sugal na sakla at mga pulis pa ang operators.

Kung ‘di alam ni Col. Dadulo ang lugar ng mga vk machine, aba’y ituturo sa ‘yo ng Chokepoint. Abangan natin ang aksiyon ni colonel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply