IED sumabog sa Lanao del Norte, parak, 7 pa sugatan

crime9

WALO ang sugatan kasama ang isang pulis makaraang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa Mercado St., Iligan City, Lanao del Norte kaninang alas-10:30 ng umaga.

Nakilala ang nasugatang pulis na si PO3 Jun Cabahug habang pito ang sugatan na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Hinihinala ng Iligan City Police na personal na galit kay Cabahug ang motibo sa pagpapasabog at malabong terorismo ang dahilan.

Nabatid na ikinabit ang naturang IED sa isang bisikleta na ipinarada sa tabi ng sasakyan ni Cabahug at sumabog nang papasakay na ang pulis.

Habang nadamay ang iba pang mga nasugatan na naglalakad lamang sa naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply