Ilan pang paaralan sa Maynila, walang pasok sa traslacion bukas

university-belt

NADAGDAGAN pa ang mga paaralang sinuspindi ang pasok para sa traslacion bukas sa Poong Itim na Nazareno.

Kabilang dito ang University of Sto. Tomas (UST) , Colegio de San Juan de Letran (CSJL), Far Eastern University (FEU), University of the East (UE) Manila, Adamson University (AdU), Mapua Institute of Technology, San Beda College, Centro Escolar University (CEU) Manila , San Sebastian College-Recoletos (SSC-R), Lyceum of the Philippines University (LPU), Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Kahapon ay una nang inanunsiyo ni Manila Mayor Alfredo Lim ang ilang pampublikong paaralan sa lungsod na walang pasok bukas, Miyerkules .

Sinabi rin ng alkalde na depende, aniya, sa mga pamunuan ng private schools kung magsususpindi rin sila ng kanilang klase.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply