Ilang BOC officials binalasa

NAGKAROON ng balasahan sa ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsasaayos ng serbisyo ng ahensya.

Ngayong araw, pormal nang pinalitan sa puwesto ni Atty. Lourdes Mangaoang si Anju Castigador bilang collector ng Cagayan de Oro port.

Si Mangaoang ang dating may hawak ng X-ray Inspection Project sa MICP.

Inilagay naman si Castigador sa Office of the Commissioner.

Uupo naman bilang bagong pinuno ng X-ray Inspection Project kapalit ni Mangaoang si Carmelita Talusan na galing sa Subic Bay Free Port.

Si Adelina Molina na dating chief of staff sa Office of the Commissioner na pinalitan naman ni Atty. Geniefelle Lagmay ang siyang pumalit kay Talusan sa Subic.

Ibinalik sa Clark International Airport si Cebu District Collector Ronnie Silvestre at pinalitan ito ni Edward Dela Cuesta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply