Ilang domestic flights kanselado sa masamang panahon

airlines

NAGKANSELA ng domestic flights ang Cebu Pacific Airways at Zest Airways ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon.

Batay sa advisory ng naturang airline, kanselado na ang flight 5J 781 na may biyaheng Manila-Ozamiz at ang return flight nitong 5J 782.

Kinansela na rin ang flight 5J 771 na may biyaheng Manila-Pagadian at return flight nito.

Ang mga kaseladong flights ay pawang mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Samantala, kanselado na rin ang flight 5J 205 na may biyaheng Cebu-Cagayan De Oro at ang return flight nitong 5J 206. Sa Cebu International Airport naman sana magmumula ang mga nakanselang flight.

Bukod sa Cebu Pacific, nagkansela na rin ang Zest Airways ang ilang domestic flight tulad ng flight Z2 260 na may biyaheng Manila-Masbate na aalis sana kaninang alas-5:05 ng madaling araw at ang return flight nitong Z2 261 na may biyaheng Masbate-Manila at lalapag sana kaninang alas-8:00 ng umaga.

Kanselado naman dahil sa aircraft situation ang Philippine Airlines flight PR 438 na may biyaheng Manila-Nagoya.

Samantala, isang 59-anyos na pasahero ang iniulat na namatay na kinilalang si Daniel Obrero. Nabatid na may sakit na cancer si Obrero na lulan ng PR flight 103 mula Estados Unidos nang lumapag sa NAIA 2 kaninang alas-5:29 ng madaling araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply