Ilang domestic flights ng Cebu Pacific, kinansela

KANSELADO ang ilang domestic flights ngayong araw ng Cebu Pacific dahil sa masamang panahon sa Katimugang bahagi ng bansa.

Batay sa information ng Department of Trasportation and Communications (DOTC), kinansela ang flight 5J-939 Manila to Ozamis at 5J-940 Ozamis to Manila ng Cebu Pacific.

Bagama’t walang nakikitang weather disturbance formation sa naturang lugar, kinumpirma naman ng ahensya na may mga pag-ulan doon na maaaring makaapekto sa mga bumibiyaheng eroplano.

Inaasahan namang maglalabas ng panibagong abiso ang Cebu Pacific sa oras na bumalik sa normal ang mga biyaheng panhimpapawid sa nabanggit na lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply