Ilang paaralan sa Maynila walang klase sa Pista ng Nazareno

nazarene

SUSPINDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Lungsod ng Maynila sa Miyerkules, Enero 9 bunsod ng paggunita sa Kapistahan ng Black Nazarene.

Base sa anunsyo ni Manila Mayor Alfredo Lim, kabilang sa mga walang pasok ang Manila Science High School, Araullo High School, Geronimo Santiago Elementary School, V. Mapa High School, Manila High School, Ramon Avanceña High School, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), at Universidad de Manila (dating City College of Manila).

Nilinaw ng alkalde na pawang public school ang kanselado ang klase at depende na sa pamunuan ng mga pribadong eskwelahan kung isususpinde nila ang kanilang pasok sa nasabing araw.

Una nang inanunsyo ng University of Sto. Tomas (UST) at Collegio de San Juan de Letran (CSJL), sa kani-kanilang official Twitter account, na suspendido na rin ang pasok sa lahat ng antas sa Miyerules dahil din sa Traslacion ng Black Nazarene.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply