Ilang personalidad sa mining iimbestigahan ng BIR

BIR-HQ

IIMBESTIGAHAN na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ilang personalidad na nasasangkot sa small scale mining sa Paracale, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma ni BIR Commissioner Kim Henares matapos na isang Ronie Havitan ang nagkumpirma na mismong siya ay involve sa small scale mining bussiness.

Ayon kay Henares, dapat ay may karampatang ibinabayad na buwis at nakikipag-ugnayan sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga involve sa pagmimina.

Iimbestigahan rin aniya ang ilang personalidad at nasangkot sa Atimonan incident na iniuugnay rin sa mining at jueteng.

Gayunman, kailangan pa nilang kumpirmahin dahil sa ngayon ay hearsay o tsismis pa lamang aniya ito.

At dahil sa dami aniya ng ahensya na nag-iimbestiga sa ibang aspetong kriminal ay hindi na muna sasabay ang BIR.

Matapos ang naganap na shootout sa Atimonan ay lalo pang pinaigting ang usapin sa pagmimina sa Camarines Sur.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply