Ilang tanggapan sa Marikina City pinarangalan ni Mayor Del de Guzman

KAUGNAY ng ika-24 na anibersaryo ng serbisyo-publiko ni Mayor Del De Guzman sa Marikina, binigyan ng pagkilala ng lokal na pamahalaan ang iba’t ibang tanggapang naglilingkod ng 24 na oras sa lungsod, at ang mga kawaning umaabot na sa 24 na taon sa serbisyo sa lokal na pamahalaan.

Ang paggawad ng pagkilala ay ginanap noong ika-7 ng umaga kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat sa Freedom Park, Brgy. Sta. Elena.

Para sa tapat at mahusay na pagsisilbi sa lungsod at mga Marikenyo, nakatanggap ng Certificate of Recognition ang mga sumusunod: Marikina City Disaster Risk Reduction  and Management Office, Rescue 161, City Veterinary Office-Meat Inspection Section, City Engineering Office-Electrical Section, River Park Development Office, City Environmental Management Office, City Transportation Management and Development Office, Office of Public Safety and Security, City Social Welfare and Development Office, Office of the Vice Mayor, at Marikina Public Market Office.

Kinilala rin ang mga kawani na may 24 na taon nang nagseserbisyo sa lungsod na sina Pablo Amatosa, Federico Blason, Nerissa Castro,  Emmanuel Felipe Centeno, Zenaida De Guzman, Zaldy Dela Cruz, Rolando Estanislao, Emma Hernaez, Dr. Alberto Herrera, Florante Javier, Carolina Panerio, Teresita Pascual, Elisa Reynera, Manuel Santos, Wilfredo Santos, Raul Jonah, at Romeo Canlas.

“Lubos ang ating pasasalamat sa kanilang hindi matatawarang serbisyo sa ating lungsod at mga mamamayan. Sa loob ng maraming taon, tayo ay nakaantanbay at handang maglingkod sa ating lungsod at sa ating kapwa nang walang pinipiling oras at pagkakataon,” wika ni De Guzman.

Ang pagbibigay ng pagkilala ay bilang bahagi rin ng State of the City Address (SOCA) ni De Guzman na may temang Serbisyo 24 (Bawat Oras Serbisyo sa Tao).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply