Iligal na pag-aresto, pagkulong ng mga progresibong lider, kinondena

SANTIAGO CITY, Isabela – Naglunsad ng noise barrage at nagmartsa ang mga kasapi ng mga progresibong partylists sa bayang ito upang kondenahin ang iligal na pag-aresto at pagkulong kina Virgilio Corpuz na rgional coordinator ng Piston Party list at Rene Boy Aviva ng ACT Teachers Party List.

Pinangunahan ang protesta ni George San Mateo, first nominee ng Piston Party-List matapos ang pagdalo sa unang pagdinig sa kasi nina Corpuz at Aviva sa Lagawe, Ifugao.

Maglulunsad naman ng mga kilos protesta sa Santiago City, Tuguegarao City at iba pang lugar sa Enero 18, 2013.

Matatandaang iligal na inaresto si Corpuz noong  Enero  4 sa Santiago City sa salang ‘murder’ na diumano ay kaugnay sa naganap na ambush ng mga NPA sa mga sundalo ng AFP sa Tinoc, Ifugao noong Abril 25, 2012.

Ayon kay Liza Lomboy, Bayan Muna coordinator sa Isabela, kahit na ‘Harold Castillo’ ang nakalagay sa warrant of arrest ng mga pulis, pilit na kinaladkad at hinuli si Corpuz ng mga tauhan ng PNP Santiago City Station 116 sa pamumuno ni Col. Paul Bometivo.

Kasalukuyang nakakulong si Corpuz sa BJMP Kiangan, Ifugao.

Mula pa taong 2005 hanggang kasalukuyan ay respetadong lider at organisador ng transport sector si Corpus, bukod sa pagiging regional development worker ng Katinnulong Daguiti Umili iti Amianan, Inc. at correspondent ng Northern Dispatch Weekly.

Si Corpus ay naninilbihan rin bilang legislative researcher ni Board Member Marcelino Espiritu sa Sangguniang Panlalawigan ng Isabela.

Noong siya ay hinuli, kasalukuyang tumutulong si Corpus sa pagtatayo ng mga balangay ng Piston Party List at Makabayan-Isabela.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply