ILLEGAL TERMINAL AT BOC CATCH

bong_padua1

MATAGAL nang inirereklamo ng mga tenant at negosyante ng Sabina Market sa Quirino Hi-way Bgy. Talipapa, Quezon City ang illegal  terminal  ng FX at UV  taxi.

Lubhang  nakaaabala sa kanilang negosyo ang naturang  illegal terminal dahil wala na silang kostumer bunga ng  mga nakaparadang FX at UV taxi.

Sakit din ng ulo sa mga motorista ang naturang illegal terminal dahil nagiging dahilan ito ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mula umaga hanggang hapon dahil sa naghambalang na mga UV taxi.

Tinatawagan natin  ng pansin  si QCPD Station 3 Talipapa chief Supt. Michael Macapagal, QCPOS  chief Elmo San Diego at QCTEU Sector 6 chief Insp. Reynado Florian na aksyunan ang mga illegal FX at UV terminal na ito.

O baka naman kaya hindi  maaksyunan ang naturang illegal terminal dahil may mga nakikinabang na mga opisyal ng diyan?

P316.2M HOT FABFRICS

Pagkatapos ng droga at kung ano-ano pang item na tinangkang ipuslit sa BOC, ngayo’y hot fabric naman ang nasakote ng mga bata ni Comm. Ruffy Biazon.

Tumataginting na P316,200,000 million na halaga ng signature fabric at pekeng Seasoning Mix ang nasabat sa MICP, lulan ang 2 container van. Ang hot shipments ay naunang idineklarang mga tela, raw materials sa paggawa ng mga sapatos at wearing apparel.

Ang isang container van na galing sa Thailand at naglalaman ng 55 rolls ng “Luois Vuitton”, 156 rolls ng “Chanel” at 475 rolls ng “Mickey Mouse” fabrics ay consigned sa Trio AV Trading.

Ang isa pang container van mula sa China na may kargang 1,120 piraso ng fake seasoning mix ay consigned sa Skyever Import and Export Trader, Inc.

Iniutos na ni Biazon ang pagsasampa ng kaso sa mga taong nasa likod ng tangkang smuggling.

Ayon kay Biazon, ang illegal importation ng counterfeit goods, kahit pa ang mga ito ay finished products form o raw materials, ay may malaking epekto sa ating ekonomiya.

Ito ang dahilan kaya mahigpit ang pagbabantay ng BOC sa lahat ng ating pantalan para maharang ang gawain ng smugglers.

Anang komisyoner, asahan ng ating mga kababayan na hindi sila titigil at asahan din na may mailalagay silang smugglers sa likod ng rehas.

Matatandaan na noong 2012, isang ismagler ng mga “ukay-ukay” ang naipakulong ng BOC matapos kasuhan at masentensiyan ng Manila Regional Trial Court Judge.

Isa pang conviction ang naisagawa ng BOC matapos na ang isang ismagler ay kasuhan sa Tax Appeals Court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply