Imbestigasyon ng Kamara sa Atimonan incident pinasisimulan na

IPINILIT ngayon ni House Minority Leader Danilo Saurez na simulan na ang imbestigasyon ng Kamara sa karumal-dumal na insidente sa Atimonan, Quezon.

Bagama’t saludo si Suarez sa ginawang pagpapatalsik sa mga opisyal ng Philippine National Police sa Quezon ay ikinalulungkkot pa rin aniya ng kanyang mga kababayan ang patuloy na pagsama ng imahe ng lalawigan.

Kinatatakutan na rin aniya ngayon ng mga taga-Quezon ang mga checkpoint gayundin ang negatibong idinulot ng insidente sa lalawigan gayung nagkataon lamang na dito naganap ang insidente.

Nais ni Suarez na simulan agad ang imbestigasyon sa Miyerkules kasunod ng paghahain niya ng House Resolution 2987 sa kabila ng pagtutol dito ni House Speaker Feliciano Belmonte na nagsabing dapat tapusin muna ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation bago ang Kamara.

Kung mababasa aniya sa plenaryo ang kanyang resolusyon sa Lunes ay maaaring simulan ang pagdinig ng House Committee on Local Gvernment at Public Order and Security sa Miyerkules kung saan hiniling din niyang humarap sa imbestigasyon ang mga opisyal ng NBI at iba pang opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Mahalaga aniya na maisiwalat sa publiko ang tunay na naganap sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply