Imbestigasyon ng PNP sa pagkamatay ni Nicole sapat na – Malakanyang

stephanie-wake

SAPAT na sa Malakanyang ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa isang nagngangalang Juan Agos  na sinasabing responsable  sa pagkamatay ng batang si Stephanie Nicole Ella, tinamaan ng stray bullet noong Bagong Taon.

“Well, at least nakikita po natin na umuusad po ‘yung imbestigasyon at sa akin pong pagkakaintindi is that they subjected—medyo systematic po ‘yung nagiging paghahanap nila. Tiningnan po nila ‘yung trajectory kung sino ho ‘yung mga merong baril doon ho sa area (na) ‘yon, doon sa mga kapitbahay. They are also asking for the cooperation of the witnesses and the neighbors kasi katulad nga ho nung sinabi nung isang nagkomentaryo, hindi naman po puwedeng sekreto ‘yung pagbaril. Meron at merong magiging witness diyan,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Kumbinsido ang Malakanyang na kumikilos ang kapulisan sa usaping ito dahil na rin sa pinapaalalahanan pa nito ang publiko na kahit papaano ay nako-cross off  na ang mga possible leads na hindi mapupunta sa kangkungan lamang.

“So at least nalalaman po ng publiko, given the high interest that the public has in this incident. The public is being apprised of the situation,” anito.

Samantala, naniniwala si Usec. Valte na hindi pa abswelto ang suspek na hawak ng PNP.

“Hindi po abswelto doon sa… Ang akin pong pagkakaaalam ay they will also press charges against Agos for indiscriminate firing. Umamin po kasi siya e, na nagpaputok din siya ng baril, meron ho siyang baril at nagpaputok po siya noong panahon na ‘yon. While it is not the same gun that fired the bullet that led to the demise of Stephanie, that is still a crime in and of itself,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply