IMMORALITY SA AMADEO AT DOUBLE STANDARD NG LIBERAL

burdado- jun briones

INAANYAYAHAN natin si Mayor Benjarde Benjo Villanueva ng Amadeo, Cavite na itanggi ang mga sumbong laban sa kanya.

Umpisa sa isyu ng droga, sa mga armadong bodyguards at sa imoralidad.

Alam mo ba, Mayor Benjo, na palagi nang tumataya sa lotto ang isang tricycle driver na nakausap ko dahil kung manalo raw siya ay papasok na rin siya sa pulitika?

‘Yun nga lang, hindi public service ang kanyang layon kundi gagayahin lang daw niya si Mayor Benjo.

Magpapatayo rin daw siya ng 3 mansiyon at lalagyan ng asawa bawat isa!

Naku, lokong driver ito, ah.

Aba’y maliwanag na imoral  ‘yang plano mong gawin!

“Hindi po, Mr. Burdado, bakit naman si Mayor Benjo, bawat isa sa kanyang 3 mansiyon ay may asawa!”

Pero ang pinaka-sexy sa lahat ay ‘yung estudyante ng La Salle na bago niyang chikababes, yun daw ang ilalagay roon sa pang-apat na mansiyon!”

Susmaryosep, Mayor Benjo, kung sakaling totoo itong nilitanya sa akin, eh, lumalabas na hindi ka na nagiging magandang halimbawa sa iyong mga kababayan diyan sa Amadeo!

Ang pagkakaalam tuloy nitong nakausap kong driver, eh, pasarap-buhay at paramihan ng asawa ang pagiging mayor!

Payo lang ito, Mayor Benjo, ‘yang libog kung hindi man kayang pigilan ay dapat itinatago naman lalo’t isa kang alkalde!

Sabagay inggit ako!

Hak, hak, hak! Pwe!!!

-o0o-

GALIT na galit sa Liberal Party ang mga supporter ng tumatakbong Mayor ng Masbate City na si Vice Mayor Allan Cos.

Dahil ang kasong isinampa ni Cos sa Ombudsman laban kay Mayor Ates Tuason ay walang pinagkaiba sa kaso ni Cebu Gov. Gwen Garcia na inalisan ng pondo ang Vice.

Pero si  Gwen  ay suspended na ng 6 na buwan samantalang si Mayor Tuason ay pakuya-kuyakoy pa sa opisina!

Ang kaibahan nila, parekoy? Si Garcia ay kalaban ng LP samantalang si Tuason ay kapanalig ng Liberal Party!

Ibig sabihin, sa magkatulad na kaso, ang kalaban ng LP ay suspendido at ang kapanalig ay nananatili sa pwesto!

Aba, eh, may katwiran nga naman na magalit kay PNoy ang mga Masbatenyong ito!

Paano ba ‘yan, SILG Sec. Mar Roxas, wala ka bang planong pabulaanan ito?

Kumilos ka sir! Now na!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply