Beybi patay, 2 utol sugatan sa sunog

crime3

NASAWI ang isang taong gulang na baby habang sugatan ang dalawa nitong kapatid makaraang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Lingayen, Pangasinan.

Ayon sa pahayag ni Ginang Vanessa So-Ep, ng Barangay Libsong West, iniwan niya ang kanyang mga anak na tulog upang makipaglamay sa kapitbahay. Ngunit wala nang buhay nang kanyang datnan ang bunsong anak na si Baby Fatima habang sugatan ang kanyang dalawang anak na edad anim at limang taong gulang makaraang matupok ang kanilang kuwarto.

Ayon sa ginang, iniwan niyang nakasindi ang kandila na nakapatong sa kanilang tukador at natumaba.

Nabatid na mabilis na kumalat ang apoy dahil sa malakas ang hangin at gawa rin sa light materials ang kanilang bahay.

Napag-alaman pang nakapiit ang kanilang padre de pamilya dahil sa iligal na sugal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply