Inaway ng dyowa, bading nagbigti

DAHIL lamang umano sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng umano’y boyfriend nito, nagawang magpakamatay ng isang 25 anyos na umano’y bakla sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw.

Natagpuang nakabitin ang biktimang si Marlon Donios Y Mabansag, alyas Nicole, edad sa pagitan ng 25 hanggang 30 anyos, tubong Catbalogan Samar .

Batay sa ulat na isinumiti ni Det.Jose Gumilan, kay P/Sr. Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, nadiskubreng patay na nakabitin sa ika-2 palapag ng bahay sa 750 Noli St., sa Malate, gamit ang lubid.

Nauna rito, bandang 12:00 ng hatinggabi, matapos ang pagsalubong sa bagong taon, nasipan umano ng biktima na magtungo sa nasabing lugar, upang ipagpatuloy nito ang pakikipag-inuman.

Lasing na umano si Donios, nang umakyat na ito sa itaas ng bahay, at dito nadiskubreng wala na itong buhay, nang makitang nakabitin ito ng lubid ang kanyang leeg sa kisame ng bahay.

Nabatid sa report ng pulisya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng “papa” at ng biktima kaya minabuting magpakamatay na lamang ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply