Indiscriminate firing, isang barbaric act – DOH

gun

ITINUTURING ng Department of Health (DOH) na isang “barbaric act” ang indiscriminate firing tuwing sasapit ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, walang saysay at maituturing na barbaric act ang indiscriminate firing.

Ang pahayag ni Tayag ay matapos makapagtala ng maraming biktima ng indiscriminate firing na kabilang ang dalawang batang nasawi na sina Stephanie Nicole Ella, pitong taong gulang sa Caloocan City at si Angelo Nimer mula sa Mandaluyong City.

Iminungkahi naman ng Kagawaran na panahon na upang iwasan ang paggamit ng paputok at mga baril at maging sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi pa ni Tayag na dapat maging responsable ang mga gun owner.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply