INILUNSAD NI SEC. PAJE ANG STREEM BUSINESS PLAN

hilda-online-logo

NAGING matagumpay ang  STREEM Launching ng Business Plan at Philippine MEA Portal Website ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nakapaloob sa 102 pahinang Business Plan ng DENR ang reactivation ng Committee on  the Conservation and Management of Resources for Development  na nasa ilalim ng Philippine Council  for Sustainable Development.

Dinaluhan ang okasyon nina DENR Usec. Rommel Abesamis, Usec. Analiza R. Teh (STREEM National Project Manager), Asec. Michelle Go, UNDP Country Director Toshihiro Tanaka at ilan pang opisyal ng DENR.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay signatorya ng ilan sa mga Multilateral Environmental Agreements (MEAs). Ang mga sumusunod ay “Collectively known as Rio Conventions”.

1. UN Convention on Biological Diversity (UNCBD)

2. UN Convention to Combat Desertification (UNCCD)

3. UN framework convention on climate change (UNFCCC).

Bawat MEA ay may kani-kaniyang focal point na ahensiya (FPA) na pinangalanang protected areas and wildlife bureaus (PAWB)–UNCBD. Bureau of Soils and water management (BSWM)–UNCCD at ang climate change commission (CCC)–UNFCCC.

Ang mga ito, MEA FPAs ay responsable sa pagsasakatuparan at monitoring sa matatapos na obligasyon ng MEA.

Ang National Action Plans (NAPs) na nagsisilbing pangunahing instrumento upang ipatupad ang MEAs ay lumikha ng maliit na lakas lalong-lalo na sa mga umuunlad na bansa (Swiderska, 2002).

Ang sumusunod ay ang iba pang challenges sa pagpapatupad ng MEA sa bansa:

1. Kakulangan ng koordinasyon at konsultasyon sa bureaus, offices at agencies ng gobyerno;

2. Kakulangan ng patuloy na ugnayan sa pagitan ng national technical na ahensya at lokal na plano at programa ng gobyerno para sa implementasyon ng mga unit;

3. Kakulangan ng kapabilidad na teknikal sa lokal na unit ng gobyerno upang maipatupad ang MEA;

4. Kakulangan ng pagkukunan ng impormasyon at unavailability ng MEA–related documents.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply