Iniwan ng nobya nagbigti

crimedeath

PATAY na nang makita ang isang lalaki nang magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa General Santos City makaraang hiwalayan ng kanyang nobya.

Kinilala ang biktima na si Dale Almario, 21, ng Davao City.

Nabatid na bago makita ang bangkay ni Almario ay may naamoy ang kanyang tiyuhin na masangsang sa loob ng kuwarto ng biktima.

Nang buksan ang kanyang kuwarto ay nakitang nakabitin na ang biktima sa kisame gamit ang isang kumot na ipinulupot sa kanyang leeg.

Lumalabas na nagbigti ang biktima nang iwanan ng kanyang nobya base na rin sa kanyang iniwan na suicide note.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply