Iniwanan ng GF, kelot nagbigti

suicide-hanging

NAGING trahedya ang pagbabakasyon ng isang pamangkin ng isang madre matapos itong magbigti sanhi ng pakikipagkalas ng kanyang nobya sa South Cotabato.

Kaninang umaga (Enero 9) lamang nadiskubre ang nakabitin na katawan ng biktimang si Dale Almario, 21-anyos, tubong Davao City, nang biglang umalingasaw ang nakasusulasok na amoy mula sa tinutuluyang kuwarto ng biktima.

Lumabas sa awtopsya na mahigit sa isang araw nang patay ang biktima na gumamit ng sariling kumot para ipulupot sa kanyang leeg bago itali sa biga ng kisame.

Natagpuan din ng pulisya sa loob ng kuwarto ng biktima ang isang suicide note at litrato ng kasintahan nito na nagpapatotoong nagpakamatay ito dahil sa pagkasawi sa pag-ibig.

Sa ulat, ipinapalagay na naganap ang pagpapatiwakal sa pagitan ng Lunes ng madaling araw hanggang Martes ng madaling araw sa bahay ng tiyahin nitong Madre sa Barangay Magsaysay, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay PO2 Juan Gido ng Polomolok-PNP, nagbabakasyon lamang ang biktima sa bahay ng kanyang tiyahin para magpalipas ng sama ng loob.

Subalit nang hindi na makayanan ang pagkalas ng kanyang nobya kaya winakasan ng biktima ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply