Inland fishery pinalalakas ng South Cotabato

inland-fisheries

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato- Mas matinding pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa inland fishing ang isinasagawa ngayon ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) ng lalawigan.

Ang pagtataguyod ng Freshwater Aquaculture Development, ay naglalayong mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga pamilyang magsasaka, partikular na sa mga bayan ng Tantangan, Lake Sebu, Banga, Surallah, T’boli at lungsod ng Koronadal.

Batay sa datos ng OPAG, umaabot na sa 118 ang inland fisheries sa buong lalawigan na natutulungan ng ahensiya kasama ang ilang pribadong kumpanya.

Sa ngayon, tinatayang 80 ektarya ng inland fisheries na ang may magandang produksyon ng tilapia, hito at Pangasius.

Inaasahan naman ng pamahalaang panlalawigan ang pagpasok ng malalaking mamumuhunan sa probinsya na mas lalo pang magpapatibay sa industriya ng isdang tabang sa South Cotabato.

Matatandang isa ang tilapia sa bayan ng Lake Sebu sa mga panghikayat ng South Cotabato sa mga turista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply