Insurance coverage ng OFWs pinabubusisi ng Dole sa POEA

PINABUBUSISI ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Philippine Overseas Employment Administration ang insurance coverage ng overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa mga mapanganib na lugar katulad ng oil at gas facilities.

Ang kautusan ng Dole ay kasunod ng naganap na hostage crisis sa Algeria kung saan ilang Pinoy ang nadamay.

Nais ng Dole na matiyak kung kasama sa insurance ng mga OFW ang high security coverage upang makatanggap ng mas malawak na benepisyo sakaling may maganap sa kanila gaya ng insidente sa Algeria.

Nais ng Dole na isulong ang kahalintulad na benepisyo na tinatamasa ng mga seafarer sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga pasilidad ng langis at gas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply