Inutil si Sec. Paje at gift kay Masbate vice mayor

burdado- jun briones

ISANG mensahe mula sa illegal loggers ang maliwanag na naiparating nila kay PNoy.

“Kapag humarang kayo sa aming landas ay hindi kami mangingiming pumatay, kahit pa taga-DENR!”

Tandaan natin, parekoy, sa Mindanao ay napakaraming tao ang namatay dahil sa illegal logging na itinulak ng bahang hatid ng bagyo.

Ang DENR official pa kaya na si Alfredo Almueda ang hindi kayang patayin?

Ganyan kaseryoso itong hayop na illegal loggers.

Ang masakit, sa lantaran nilang pagsuwag sa pamahalaan ay walang nasabi si DENR Sec. Ramon Paje kundi “ang pagpatay na ito kay Almueda ay maliwanag na konektado sa illegal logging!”

Ganun naman pala, Sec. Paje, bakit hindi mo ipag-utos ang isang malawakang pagtugis sa mga mamumutol ng kahoy riyan sa Sierra Madre?

Sa pahayag na ‘yan, Ginoong Paje, ay maliwanag pa sa sikat ng araw na inaamin mo na inutil ka nga sa pagsugpo sa illegal logging operation!

Hindi ko lang malaman kung inutil ka nga o nagkamal! Pwe!

Dahil kung hindi ka inutil o nakikinabang sa illegal logging, eh bakit hindi mo kayang makipag-ugnayan sa PNP at AFP para suyurin ang Sierra Madre upang maipaghiganti ang kamatayan ni Alfredo Almueda at higit sa lahat ang kalikasan? Dahil nga inutil ka!!!

-o0o-

NAPAKARAMING mensahe mula sa mga residente ang natanggap natin kaugnay sa pagkatao at serbisyong ipinagkaloob sa kanila ni Masbate City Vice Mayor Atty. Allan Cos.

Hinihiling nila na sa pamamagitan ng Burdado ay maipaabot man lang nila kay Atty. Cos ang kanilang regalo.

Na sa napakabuting serbisyo na ipinagkaloob nito sa kanila ay nais nilang ipangako na hindi nila iiwan sa ere ang butihing Vice Mayor.

Na bagamat kalat na ang balita na namumudmod ng napakararami nang pera ang kalaban nitong si Rowena Tuason na asawa ni incumbent Mayor Ates Tuason ay hindi umano sila magpapasilaw sa pera.

Oh, hah! Ano ang masasabi mo, Atty. Allan Cos?

‘Di ba mas mahalaga pa ang regalong ‘yan keysa materyal na bagay?

Bilang isang Masbateño, isang pangako rin ang tangi kong maibibigay na regalo.

Na ilalahad ko sa espasyong ito ng parehas ang anomang isyu riyan sa Masbate.

Maging sino man ang tamaan at anomang isyu ito!

Pramis po ‘yan!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply